Usal ng Nagpatawad | for alma's friends and alma's online buddies |
Kaulyaw ko ang hangin sa pagbulong
ng aking damdaming sinlungkot ng dapithapon
Pagsapit ng gabi'y ang butil ng luha
ang nangniningning sa madilim na paligid
waring ilaw, patnubay sa muli mong pagdaan.
Umuwi ka na
bumalik ka sa aking piling
Puso ko'y nananabik sa iyong muling pagtingin.
Bubuuin ulit ang mga pangarap
na sabay nating pinagbuhusan ng panahon
Malyo pa ang ating mararating
kaya bumalik ka na.
Sabay nating sasagupain ang alon
at hayaan natin itong mabasag sa dalampasigan
Umuwi ka na't ating pagsaluhan
ang niluto kong masarap na ulam
Umuwi ka na dahil sabay pa nating papanoorin
ang paglubog at pagsikat ng araw
na pangarap nating makita.
Halika't hinihintay ka ng aking bisig
na naghihintay para yakapin ka
sa iyong pagbabalik
at di na kita pakakawalan.
Mahapdi man ang dulot ng iyong pagllisan
ngunit ito'y humihihilom
sa tuwing naririnig ko ang iyong pangalan
Narito pa rin ako sa tabi ng bintana
inuusal ang muli mong pagpanhik
Sa mundong tayong dalawa lang ang nilalang
No comments:
Post a Comment