Ang Pagsagot sa Manang iyong Iniwan | for alma's friends and alma's online buddies |
Ang Pagsagot sa Manang Iyong Iniwan
Ni Ang Pagsagot sa Manang Iyong Iniwan
Ni Alma V. Reynaldo II-7 BEEd
Sa gitna ng dilim na ang hinihintay ay liwanag,
Ang kalayaan ng iniibig ay di maaninag.
Binasbasan mo yaring kaluluwang naghahangad
Ng kagalingan at kapayapaang matingkad.
Rizal, iisipin naming ika’y dakila at maluwag.
Pag-ibig mo sa baya’y di ka natatakot ihayag.;
Dumampi ang pluma mo sa puso ng sinumang maghangad
Na basahin ang sandatang nangaling sa iyong sulat.
Hindi biro ang mamatay na walang kaba sa puso.
Ang sinumang nasa katayuan mo’y ligalig ang mamumuo.
Isang tula ang nahabi sa huli mong Segundo,
Na ang laman ay mga pangarap na di maisip ng diwa ko.
Pamana mo ang mga pangarap na ang kapara ay bituin,
Nalalasap ang kinang ngunit di kayang abutin:
Nakikita ang kislap ngunit di kayang hawakan
Magkukunwaring naabot dala ng huwad na katotohanan.
inihain niyo ang inyong buhay para sa kalayaang
Dadalhin ng ibong sa pugad nananahan.
Ngunit sa paglasap nitong kalayaang pangarap
Pakpak ay nabali, sa baril ay di umilag
Sa paglaban sa palalo dusa ang lumaganap
Dugo ang dumanak bago marating ang pangarap
Isinilang ang tagapagmana mo’t bahagya kaming nasiyahan.
Inakalang ang buhay ay magiging magaan
Wala na kaming supil ngunit kadena pari’y nandiyan.
Habang gumagalaw, lalong hinihigpitan.
Umiiyak kami pagsapit ng dapithapon
Ngunit Liwanag ng araw ay mahirap nang mabago.
Titiisin naming ang bawat hapding natipon,
Gaya ng pagtitiis ninyo sa manlulupig na patapon
Sa ikadalawampu’t isang siglo ako nabuhay
Modernong panaho’t tula mo ay nilalakbay
Malaya na nga’t pangarap mo ay tumingkad
Ngunit ang itsura nito sa akin ay huwad.
Ang kalayaan ay nagbibigay ng di makitang saya
Ang kasama nito ay pagsasaya ng mga buwaya
Tagumpay ang ngiti ng taong nakakariwasa
Ngunit sa kuba’t kalabaw, naghahari ay dusa.

No comments:
Post a Comment