Ang mga Ambahang Pwedeng I-post | for everyone |
Hapon ng Biyernes nang isinauli ng aming propesor sa panitikan ang mga ginawa naming ambahan (alam niyo na kung ano ito). Tama nga ang hinala kong dalawa sa mga ito ang di makinis/malinis/patok. Iyong isa, alam kong walang kwenta dahil ang tugma at sukat lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Iyon isa naman, alam kong kahit mahaba, wala namang sustansiya. Marami kasi akong naiisip na salitang magkakatugma at mga salitang may /ay/ sa dulo. kaya ipinasok ko ang lahat ng naisip ko na hindi pumipili ng kung ano ang mga dapat at hindi na dapat pang ilagay. Ayun, feeling ko nalito rin yung nagbasa dun. Paano kasi, parang halu-halong amoy ng mga lalaki sa LRT yung gawa kong iyon.
Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa kung ano ang kahinaan at kaibahan ng isa sa isa? basta ako, hindi ko sasagutin ang tanong na ito dahil ako ang nagtanong.
Akala ko nga isa lang sa lima kong ambahan ang magiging ok kasi doon lang naman talaga ako nagconcentrate ng husto. O, siya, mga ambahan ang dapat kong ipost dito at hindi mga dahilan at kung anu-ano pa. Narito nga pala ang mga ambahang ginawa ko na pwede daw at di nakakahiyang i-post. (pero hindi alam ng prof ko na matagal ko na itong ipinost yung lima, repost na lang to kaso tatlo na lang sila)
(Kung hindi mo man nagustuhan ang mga ito at tingin mo'y dapat pa ring ikahiya ang mga ganitong uri ng katha na pinag-aksayahan lamang ng panahong maisulat, sisihin mo ang prop ko.joke lang!)

Tala sa Ulap
Tala'y aandap-andap,
nagtatago sa ulap.
Di makita ang kislap
sa lilong alapaap.
Hindi ko siya mayakap.
Kapalara'y masaklap.
Ningning niya'y aking hanap,
nang ako'y maging ganap.
makinang, walang kurap.
walang angking pagtanggap.
Abutin mo'y mahirap
parang blankong pangarap
Kakapisang Pipit
Nais ko ang lumipad,
kahit sa'n mapadpad.
Ito ay matutupad,
kahit ito ay huwad.
Sa taas man ay hubad,
ang mithii'y matingkad.
Kahit ako'y makupad,
tiis nama'y malapad.
Maliit man ang pakpak
di ako malalaglag
Batang Lansangan
Sa baso ko ilaglag
ang inyong awa't habag.
Di ako makailag
sa mapaglarong yabag.
Ako ay batang bihag,
sinusubok ang tatag .
Ako ay walang hapag,
pagkain ko ay pagpag.
Sa harap nakalatag,
ang tumihayang palad.
Kagaya din ako ng bulag,
gusto ko ng liwanag.
Hiling ko sa maluwag,
tulungang maaninag
ang pag-asang mailap.
(Kung hindi mo man nagustuhan ang mga ito at tingin mo'y dapat pa ring ikahiya ang mga ganitong uri ng katha na pinag-aksayahan lamang ng panahong maisulat, sisihin mo ang prop ko.joke lang!)
No comments:
Post a Comment