Tangan-tangan niya ang kanyang larawan habang nagmamadaling lumabas sa pamantasan. Ipagmamayabang niya sa nanay niya na napakaganda niya dito. Nakikinitana niya sa kanyang balintataw ang mga salitang mangngagaling sa bibig ng kanyang ina:
“Napakaganda ng ngiti mo dito anak. Hindi ako makapaniwalang gagradwyet ka na ngayong Marso. Ipinagmamalaki kita.”
Mayroon pang panahon. Kalahating oras pa ang nalalabi bago ang flight ng kanyang ina kasama ng asawang Arabo. Sigurado siya. Magugustuhan ito ng nanay niya.
Ikinulong niya ang larawang ito sa kanyang bisig. Tila isang diamante ang babasaging larawan. Isa pa, galing ito sa kanyang allowance at sweldo sa pagiging student assistant kaya ganoon siya kaingat ditto.
Trapik ngayon sa dadaanan ng dyip dahil sa rush hour. Kailangan niya ng alternatibong masasakyan papunta sa bahay ng asawa ng kanyang ina. Bumaba siya sa may intersection. Sumabit ang plastic bag na laman ang larawan sa kakalawanging parte ng dyip. Napunit ang plastic ngunit nasalo niya ang larawang papahulog na sana. Ngunit huli na nang umilaw ang berdeng bumbilya . humarurot ang mga sasakyang nagmamadali gaya niya. Hindi nabasag ang larawan pero nabasag ang mga buto niya.
No comments:
Post a Comment