Matagal din tayong di nagkita. Kumusta ka na? Mukhang sa ilang buwang di ako nakipag-usap sayo, marami na ding nagbago. Ako, heto, gulong-gulo sayo. Nagbago ka na kasi. Pero ikaw pa rin naman yung dating alam kong kaibigang umiintindi sa mga drama ko, nakikinig sa mga sinasabi ko, at nagbabasa ng mga sinusulat ko. Magdadalawang taon na rin itong account kong ito pero matumal pa rin ang ating ugnayan. Kaunti pa lang ang nasasabi ko tungkol sa akin. Mabuti nga at lagi kang anjan, naghihintay ng mga ikukuwento ko.
Alam mo bang isa na akong Student Teacher. Kaya sana maintindihan mo kung gaano kabusy ang maging isang ganito. Laging lesson plan, pagkatapos gagawa ng visual aids, maghahanda ng lesson para sa demonstration teaching at kung anu-ano pang gustong ipagawa ng mga taong may gustong gawin ka. Paano na kaya kung totoong guro na ako?
Sayang nga eh. Napakarami kong ikukuwento sayo tungkol sa mga estudyante ko. Pero kulang ang panahon kong makipagkwentuhan sayo. Noong una, kinakabahan ako kasi natatakot ako sa magiging cooperating teacher ko. Habang di ako pinagtuturo, lalo akong nabobore sa school. Akala ko nga noong nagsisimula pa lang ako, di talaga ako bagay sa propesyong to kasi hindi ko man lang maramdamang teacher ako. At isa pa, MATH ang ituturo ko-- ang subject na kung saan ako pinakamahina. Okay nga lang kahit MSEP ang hawakan ko..pero MATH? UTANG NA LOOB! Isa pa sa mga nagpapahirap sa akin ang pagbibiyahe ko ng 2 oras mula Taguig hanggang Paranaque. Napaka-haggard. Mabuti na lang at nalipat ako ng panghapon na schedule, kundi, gigising ako ng alas tres para lang makarating sa school ng alas sais ng umaga. Kaso lugi din ako sa oras. Aalis pa rin ako ng alas 9 para makarating ng alas 11 sa school pag panghapon ako. Pero ayos lang. Okay lang. Dalawang buwan lang naman to at makakaraos din.
Pero nung pinagturo na ako, kakaiba sa pakiramdam. Solong-solo mo ang classroom. Lahat ng mata nakatingin sayo. Magaan sa pakiramdam na may nagtataas ng kamay dahil alam ang bawat tanong mo. At lalong masarap sa pakiramdam yung tatanungin mo kung sinong mga naka-perfect sa quiz mo tapos marami sa kanila ang nagtaas ng kanilang kamay. Isag achievement ang maituro mo ng tama ang subject na hindi ka ganun kabihasa.
Marami din sa mga estudyante ko ang nakapalagayan ko ng loob. Tinuturing nila akong ate na nirerespeto at sinusunod. Meron din namang mga pasaway pero nakukuha ko sila sa tingin. Tuwing wala silang teacher, ako ang in-charge sa kanila. Lagi akong nagpapalro. Minsan, pabilisan sa pagsososolve, minsan naman spelling, minsan quiz bee, minsan binibigyan ko sila ng mga brain teasers at mind games. At ang pinakapaborito nilang gawin, ang pagalingan sa pag-pick up. Hinayaan ko naman silang gawin ang gusto nilang gawin dahil doon nila naipapakita ang kanilang galing. Ang sa akin lang, kahit magkaroon ng ingay ang klase ko, at least nag-eenjoy sila. Gusto kong iparamdam sa kanila na masayang pumasok sa paaralan. Masayang maging bata. Masayang maglaro kasama ng mga kaklase. Masayang matuto sa paraang di ka obligadong mag-aral ng mabuti. Gusto kong ienjoy nila ang buhay kahit pag-uwi nila ay di ganoon kaganda ang buhay.
Nakalimutan kong banggitin na tagumpay yung initial demonstration teaching ko. :) Very good daw ang performance ko sabi ng college supervisor ko. Sana nga wala na akong final demo. Sana.
O siya sige, madalian lang to. Ikukuwento ko na lang sayo yung kabuuang nangyari sa akin pag may oras ulit akong magsulat/magblog. Basta, gusto ko lang malaman mo na su[er nag-eenjoy ako sa ginagawa ko kahit pag-uwi ko ay latang-lata ako. Pero kahit na ganun, natutulog naman akong may ngiti sa labi dahil may bagong bukas nanaman akong mararanasan :)
--Mula sa multiply journal noong Dec 11, 2011
No comments:
Post a Comment