Si Bob Ong Na hindi Ko naman Idolo | for alma's friends and alma's online buddies |
Noong bakasyon, natapos ko nang basahin ang "Ang mga Kaibigan ni Mama Susan", ang pinakabagong aklat ni Bob Ong. Basta, hindi ko ikukwento sayo kung ano ang nangyari dun kasi gusto ko ring maramdaman mo ang naramdaman ko habang binabasa ko iyon. Anyway, hindi naman talaga yun ang sadya ko kung bakit ko naisipang magpost ng blog na tungkol kay Bob Ong. Gusto ko lang sabihin na nabasa ko na iyon, para sikat. pero ito talaga ang totoong katawan ng entry ko ngayon:
Kanina ko lang natapos yung "Stainless Longganisa", ang ikalimang libro niya. Alam ko ,kasi sinabi niya sa libro niya, hindi dahil panatiko niya ako. Wala naman akong balak magkaroon ng ganitong libro noong una. Nadampot ko lang ito habang tinitignan yung mga libro ni Eros Atalia
sa National Bookstore kasi nacurious ako sa pabalat ng libro.Parang nakulam ako dahil bigla ko na lang naisip na gusto ko nang bilhin ito kasi maraming bolpen sa pabalat. Mahilig din kasi ako sa bolpen. Ang totoo nga, sa tuwing nagagawi ako sa National(suki ako dun lalo na pag may report at demo ako sa school) bumibili ako ng bolpen kahiit meron pa naman akong bolpen. pero dahil short ako sa budget nitong linggo, itinigil ko muna ang bisyo kong iyon.
Balik tayo sa libro...
Nakita ko sa pabalat yung mga (kunwaring) blurb nina J.K. Rowling at Dan Brown. Ayos! Baka mabanat nanaman ang mga ugat ko sa ulo pag nabasa ko ito, lalo pa't nabanggit niya dito ang tungkol sa pagsusulat. Naging interesado tuloy ako bilhin ito. Kaso namamahalan ako sa 150 pesos (pero di ako namahalan sa "Mga Agos sa Disyerto" nina Abueg, Reyes, Sicat at iba pa na nagkakahalaga ng 248 pesos). Kaya naman iniwan ko na lang yun. Pero, di ko akalaing magkakaroon din ako ng ganitong libro. Nabanggit ko kasi sa pinsan ko na gusto kong bilhin iyon. Tapos nitong January lang, binigyan niya ako nito. Hindi ko alam kung premyo ba to sa pagkakahula ko kung sinu-sino yung mga kaklase nya na pupunta sa bahay sa birthday niya o kapalit lang ito dahil bubuksan ko na sa publiko at ipapabasa ko na sa kanya (at malamang na kasali ka sa mga nakinabang at nakisilip na rin ngayon sa entring to) ang mga "akda" at mga pinaka-iingat-ingatan kong mga blog na hanggat maari ay mata ko lang sana ang dapat na makakakita nito.
Anyway, dahil nga napasaakin na ang librong ito, pagkabigay na pagkabigay pa lang niya sa akin ay agad ko na itong binalatan ng plastic cover at saka ko sinimulang isa-isahin ang mga pinagsasasabi ni pareng Bob.

Alam mo, akala ko talaga matutuwa ako.Pero nainis lang ako sa mga pinagsasasabi niya! badtrip nga eh! Paano ba naman, halos pareho kami ng pananaw at pinagsasasabi tungkol sa pagsusulat! Pareho kami ng ideya at kabangagan, parehong walang kwenta pero nagkakawenta sa mga bumabasa. Badtrip kasi baka sabihin nilang ginagaya ko lang siya.
Oo, mas naunang naipublish ang libro niyang to kesa sa sanaysay na dapat sana ay ipopost ko na nitong darating na linggo, pero bago ko pa man iyon nabasa ay talagang ganoon ang pananaw ko sa pagsusulat, gaya ng usaping pangagaya at pag-angkin sa mga pagkakataong feel mong magsulat.
Pero ganon naman talaga diba? Aminin man natin o hindi, naiinis tayo pag nauunahan tayo ng iba sa mga bagay na gusto nating sabihin. Minsan pa nga, sa klase, tuwing may recitation, kapag nairecite na ng iba yung irerecite mo sana parang gusto mo siyang pagsisipain sa pang-aagaw sa bagay na magliligtas sayo sa nakakimbyernang impyerno. "Kainis naman e, Sinabi na niya yung sasabihin ko!" Sa mga ganitong pagkakataon, maiisip mong baka naiisip niya ang naiisip mo, parang sina B1 at B2. O kaya minsan mapagkakamalan mo siyang alien dahil marunong siyang mag-mental telepathy.
At minsan, kahit wala kang pinagkopyahan, kung may kaparehas ka, ikaw ang lalabas na gaya-gaya. Hindi rin naman masama ang manggaya, pero pinahahalagahan ko rin naman ang pagiging orig at iba. Nagiging masama lang siguro ang pangagaya dahil maigting ang kampanya laban sa plagiarism at malakas ang pagtatanggol ng iba sa kanilang 'right to intellectual property' daw.. no part of this book must be reproduced in any way for..blah...whatever..blah..choink choink..weta-weta..pot-pot..period.
Tama nga naman si pareng Bob. Basahin mo yung sa page 38-39. Hindi ko na ilalagay dito dahil baka talaga ako nanaman ang lumabas na nanguguha ng ideya. Isa pa, tama na ang mabasa mo iyon sa libro niya at hindi dito. Dahil badtrip ako, ayoko nang sabihin ang mga nasabi na niya.
Pero naisip ko lang, pareho-pareho lang naman tayong mga tao, iba-iba nga lang ang mga trip, sa buhay. E, di kung nakikiayon ka sa opinyon ng iba dahil opinyon mo rin iyon, gaya-gaya ka na? Kung pareho kami ni Bob Ong na lantad na lantad sa aming harapan ang mga secret na dapat ay secret , ginagaya ko na siya?
Hindi tayo magkakaroon ng iba-ibang opinyon sa lipunang ating ginagalawan kung pare-pareho na nating nakikita ang mga sintomas ng kanser sa lipunan na kasalukuyang nasa stage 10 na(may ganon ba?) maliban na lang kung mananatiling pinid ang mata mo sa mga pagbabagong umaatras. At kung anu-ano ang mga ito?Di ko na babanggitin, dahil baka lalo pa itong dadami. Sabi kasi ng mga matatanda, pag binilang mo ang mga masasamang nangyari sayo, dadami pa ang bilang nito sa inaasahan mo. kaya pala pag binibilang ko ang mga taghiyawat ko sa mukha, dumadami pa lalo ang mga ito. Sana nga, kapag pera ang binibilang mo, dodoble o titriple pa to.
Sana naman, wag akong kuyugin ng mga panatiko ni Ong kapag ikinumpara ko ang sarili ko sa kanya sa kabila ng pagkakatulad namin ng mga pananaw at kalokohan( kung nahahalata mo man). Mabuti na lang sarado ang multiply ko sa mga taong taga-labas. Kaya masuwerte ka kung nabasa mo ito, ibig sabihin, taga-loob ka at pinayagan kitang pagtawanan ang mga gawa ko.
Alam ko naman na napakalayo namin sa isa't isa, bakit pa ako magpapakapal ng mukha para maikumpara ang sarili ko sa kanya,? Siguro parang pagtatangka ko na rin itong magpakamatay. Eto siya o, ganito lang ako (imaginin mo na lang yung action nito). Ilang libro na ba ang naisulat niya? Samantalang ako, puro libro lang sa hangin ang nabubuo ko. Pagkatapos kong likhain ang walang kasiguraduhang gawa, hinahayaan ko na lang itong ilipad ng hangin sa napakalayong lugar hanggang sa malimutan ko kung ano ito at saan ko ito iniwan.
Sa totoo lang, hindi ko talaga inaamin o mas magandang sabihing hindi ko talaga inaangking manunulat ako. Para sa akin kasi, manunulat kang matatawag pag nagkaron ka na ng sariling libro, may naipublish na sa mga gawa mo, marami ka nang mambabasa at nagpaparaktis ka na ng pagpipirma para sa autograph signing mo kinabukasan E, ako, wala na nga akong libro, wala pa akong mambabasa. Ako lang ang nagtitiyaga at napipilitang magbasa sa mga gawa ko, na kalauna'y pinagtatawanan at kinaiinisan ko rin. Mas pangit pa sila sa akin!
Gusto ko ngang matutong magsulat. Yung magsulat talaga ng kwento, tula at iba pa na nakakapagkintal sa puso at isipan ng aking mambabasa. Hindi ito yung pagsusulat na isa ha, itinuro na iyon sa akin nung grade 1 pa lang ako. Sa totoo lang gusto kong pumasok sa mga klaseng may creative writing na subject, kaso baka sipain pa ako at baka ipadala nila ako sa Mandaluyong. At isa pa, nagiging balakid din sa pagtatangka kong iyon, ang takot kong makulong sa kung ano ang tamang ganito, tamang ganoon, tamang ganyan at kung anu-ano pang mga pamantayang di ko naman kayang abutin, Nakakabuang!
Wala na akong maisip pang pwedeng isulat sa ngayon. Basta saludo ako kay Bob Ong dahil parang saludo na rin ako sa sarili ko. (paalala: nanginginig ako sa huling pangungusap na sinabi ko). OO. MAKAPAL ang mukha ko at FEELINGERANG frog ako.
Hindi naman sigurong masamang mangarap. Pero nahihiya talaga akong sabihign gusto ko rin maging isang magaling na manunulat ,iyong may maisusulat na may kwenta at matino, kahit hindi gaya at kasimbenta ni Bob Ong. Kaso pinaghihinaan ako ng loob. Gusto ko nang tapusin to,pero dapat na ituloy. Pangarap eh, ibang usapan na ito, dahil ikaw at ang iyong mga pangarap ay iisa. Parang kapag tinalikuran mo ito, para kang lumakllak ng unlimited petroleum na galing sa Bahrain. Hindi na siguro ako magbibigay ng payo tungkol sa kung papaano abutin ang pangarap, kasi ako, wala pa akong naabot. At isa pa, sino naman ang papayuhan ko, eh ako lang naman ang nagtitiyagang magbasa nito? Sino ang papayuhan ko? sarili ko? Siguro kung matagal na akong nakinig sa sarili ko, hindi ko na sinusulat to.
Hindi ko man idolo itong si Bob Ong, nagpapasalamat pa rin ako kahit hindi ko alam kung bakit, siguro dahil nararamdaman kong magkumpare kami noong Ice Age.
No comments:
Post a Comment