Thursday, August 9, 2012

Ketchup (Isang Tulang May Kinalaman sa KETCHUP LOL!)



Jan 7, '11 3:42 AM
for alma's friends and alma's online buddies
KETCHUP

masarap titigan ang malapot
malinamnam at mapulang ketchup

pambuhay sa tigang na ulam
at sa bibig na iniwan ng takam

ang tamis-anghang nitong lasa
kahit naiiba ang timpla
ay kumukurot pa rin sa dila.


ang ketchup ay may hiwaga
dahil nagkakalulay ang ulam na maputla

kahit uulam mo'y hotdog, tocino o longganisa
tapa, manok man o isda
ulam mo man ay sosyyal o pangmasa
napapasarap ang pagkain sa mesa.

ngunit ang pinakagusto ko sa lahat
ay nagagawa nitong masimut
ang pagkain ko sa pinggan
kahit walang ulam

\(WAAAAhhhhh...napakawalang kwenta talaga!!!parang nireregla lang!!!pasintabi sa kumakain.. hahha.. wala lang, naisip ko lang isulat tong tulang to habang kumakain. naisip ko kasi na kahit anong isawsaw mo dito sumasarap yung ulam. mabuti pa ang ketchup nagagawang maging pantay ang lasa ng sosyal at pangmasang ulam)

No comments:

Post a Comment