Thursday, August 9, 2012

Multo ng Pinabayaang Katha


Dec 20, '10 6:31 PM
for alma's friends and alma's online buddies
 Ayokong makuntento ka
 Na iniisip mo lang ako.
 Nagsusumamo akong
 Ilabas mo ako sa iyo.
 Bihisan mo ako’t
 Ipakita sa tao.
 Ikaw ay ako
 Huwag kang matakot.

 Isulat mo ako
 Huwag sa hangin
 Huwag mo akong hayaang
 Lumutang sa alapaap at
 Tangayin sa kawalan.
 Ipinta mo ako
 Nang di mo makalimutan
 Na may maganda ring nangyari sa iyo.
 Ilapat mo ako
 Sa musika ng iyong buhay
 Upang marinig ng lahat
 Ang hinanahing mong hubad

 Lingunin mo ako, huwag kang matakot
 Kahit multo akong
 Pabalik-balik,
 Hindi kita titigilan
 Hanggat hindi mo nakikita
 Ang anyo ko, na anyo mo rin.

No comments:

Post a Comment