Damhin mo ang hanging
patuloy
na umiihip
sa alapaap
ng alaalang
kinalimutan
ang rikit.
Hagkan mo ang yuming
hatid
nitong lamig
sa bawat
pagdapo
ng kalinga
nitong hatid.
Buksan mo ang pandamang
nagkulang
sa husay
na masalat ang pag-ibig
na di nasisilip.
Ilibing ang ligaya
na dapat ay sa iyo
pagkat pagsintang buhay
ay unti-untig naglalaho.
No comments:
Post a Comment