Wednesday, October 5, 2016

2016 TEACHERS’ DAY


2016 TEACHERS’ DAY

Noong bata pa kami, ni hindi naming nababati ang mga guro naming ng Happy Teachers Day. Hindi pa yata uso noon ang mga ganitong ek-ek. Pero at least, alam ko sa sarili ko na lagi akong may regalo sa kanila--- ang maging mabait at masigasig na estudyante araw-araw. Ngayon, dala-dala ko pa rin ang regalo ko para sa kanila—ang pagiging matagumpay ko sa buhay na kakabit nito ang kani-kanilang mga pangalan sa aking puso.
Ngayon naman, ganap na akong titser. Co-teacher ko na ngayon ang mga guro ko noon. Pare-pareho na rin kami ng natatamong pagbati tuwing Teachers’ Day. Gayundin, pagkatapos ng Teachers’ Day, par-pareho na rin kami ng tatamuing sakit ng ulo dahil sa mga estudyante.


Happy nga ba kaming mga guro? Siguro ngayong araw na ito. Dahil sa araw na ito, nararamdaman naming appreciated din naman pala kami ng aming mga estudyante. Dahil sa araw na ito, wala kaming aasikasuhing klase, o kaya susulating Daily Lesson Log at gagawing instructional materials. Kahit isang araw lang, napapangiti kami ng mga batang halos kalahati ng buhay nila ay kami ang kanilang kasama.



Sa dami ng pasanin ng mga guro, tumitingin na lang ako sa mas magandang parte ng buhay. Darating din ang panahong matututo ang mga batang ito upang maging maunlad sila sa buhay. Kasi bilang isang guro, hindi naman material na bagay ang hangad naming mula sa isang estudyante. Tanging nais naming ay makita silang matagumpay sa mga larangang binagtas nila. O, kahit magkaroon sila ng simpleng buhay pero nabubuhay sila nang marangal dahil sa aming mga turo.


Pero ang pinakanarealize ko sa lahat, sa kabila ng mga ‘galit’ o galit-galitang ipinapakita naming sa kanila habang sila ay hindi nakikinig sa amin tuwing klase, handa pa rin nila kaming pasiyahin kahit isang araw lang.



Sa pagtatapos ng araw na ito, ako naman ang magpapasalamat sa lahat. Salamat sa PTA Officers ng Telbang Elementary Schoo, SPG Officers ng paaralan, mga magulang at mga estudyante, maraming salamat. Ang hiliing ko lang, hindi lang iisa ang araw na dapat niyo kaming pasiyahin. Sa mga simpleng pagpapakita nyo ng pagiging masigasig sa pag-aaral, napapangiti niyo na kami nang lihim.



No comments:

Post a Comment