Monday, October 22, 2012

Ang Pagdiriwang ng Sulo (The Torch Ceremony)


Kung sa high school, may JS Prom, sa PNU, mayroon din kaming JS Prom. Hindi nga lang ito sayawan gaya ng alam ng iba. Ang mga nasa ikatlo at ikaapat na taon sa pamantasan ay nagsasama-sama upang ipagdiwang ang SULO. 
 Ilan taong na itong tradisyon sa pamantasan. Ito ay isang taunang selebrasyon ng paglilipat ng responsibilidad ng mga nasa ikaapat na taon sa mga nasa ikatlong taon. Dito nagsusumpaan ng pangako na ang mga nasa ikaapat na taon ay patuloy na magbibigay ng karangalan sa inang pamtasan at ang mga nasa ikatlong taon ay mangangakong aalagaan ang pamantasan.
                Ginaganap ito tuwing huling araw ng taong pampaaralan. Hindi katulad ng sa hig schoool, sa SULO, hindi ka sasayaw. Magmamatrsa at nakatayo ka lang.

 Hindi ka nakasuot ng cocktail dress o gown. Naka-Filipiniana ka. Hindi party rock songs ang tugtog kundi mga kundiman. Hindi mga disco lights ang ilaw. Isang malaki at dambuhalang Sulo na nasilaban pagkasabi ng "BULALAKAW!"
                  Hindi "Faces of the Night" o "Head Turner" ang mga estudyanteng sentro ng selebrasyon. Sila ay tinatawag na "Inang Pamantasan", "Juan dela Cruz",  at "Inang Pilipinas". Hindi sila gaya ng JS prom na pinipili base sa kagandahan. Sa totoo lang, sila ang sentro dahil sila ang nagkamit ng pinakamatataas na marka sa kanilang kolehiyo :)


Para sa mga nas ikatlong taon, nakakaramdam sila ng excitement dahil sila na ang susunod sa mga yapak ng kanilang mga ate at kuya. Mararanasan na rin nila sa mga susunod taon ang nararanasan ng isang graduating student.

Para naman sa mga nasa ikaapat na taon, kakaibang ligaya naman ang iyong mararanasan. Sila na ngayon ang bibigyan ng sulo(torchlight). Ang pagdiriwang ng Sulo ang simbolo ng nalalapit nilang pagtatapos. Siyempre, madalas na inaabangan pagkatapos ng pagdiriwang ang pagsasabi ng mga mag-aaral na nagkamit ng mga parangal pang-akademiko at ekstra-kurikular.            
Ang makaranas ng ganito karingal at kataimtim na pagdiriwang ay isang karangalan bilang estudyante ng PNU

O, Alma Mater ko,

Sa mga Guro'y ina.

Dala'y Ilaw

Sadyang tanglaw.

Lagi kang patnubay

ng bayan ko kailanpaman.

Luwalhati'y sumaiyo

O, Alma Mater ko!



Inang pamantasan, dala-dala ko lagia ng iyong pangalan. Hindi ako magsasawang sabihing ako ay     nahubog mula sa iyong sinapupunan. 



No comments:

Post a Comment