Friday, April 25, 2014

Mga Tulang Walang Bahid ng Pagkaberde


NI ALMA V. REYNALDO


PS. ANG MGA TULANG ITO AY ISANG PAGSASANAY SA PAGLALARO NG MGA SALITA.



ANG MANGGA

Para kang tsiks na sa tingin pa lang,
Ako ay sa iyo natatakam.
Ang makinis mong balat ay masarap hawakan,
Gusto kong ika'y maiging talupan.


Sa mapintog mong bunga, mamimilog ang mata
Nasasabik akong ika'y makuha
Kahit na ikaw ay mahigad pa
Magpipilit akong akyatin ka.


Mangga! ika'y walang kasing sarap
Malutong ang laman mo pag ika'y kinagat
Naghahalo ang laway ko sa iyong katas
Ikaw na sa akin ang lahat-lahat


Bagay ka sa bagoong na maalat
Pwede rin sa asing galing  sa dagat
Pwede kang kaining may balat
Kahit anong hiwa, tiyak akong ika'y masarap.


Ngunit hinay-hinay lang dapat ako sa pagkain
Kung ayaw kong tiyan  ko ay mangasim
Hindi lahat ng masarap kainin
Ay nakakapagdulot ng ligaya sa atin


 Ang Kendi


Ale, ale, tindahan mo'y buksan
Alisin ang kandado't ako'y iyong pagbilhan
Gusto ko ang kendi mo, kaya iyong bilisan
Kunin mo ang bayad ko, kahit wag na kong suklian

Ang kendi ang sagot sa gabi kong matamlay
Napupuno nito ang bibig kong naglalaway
Sa tamis na dulot ng kending puspos ng asukal
Ay unti-unting nakakawala ng kaisipang banal.

Kay sarap isubo ang kending matamis
Lalo na pag nilusaw sa dilang nagpapawis
Labas-pasok man ito sa iyong bibig
Nananatili pa rin ang iyong pakakakilig


Idausdos mo ang kendi mula sa dila
Itaas mo nang itaas hanggang sa ngala-ngala
Ilabas mo ng ilabas at ipitin mo ang iyong labi
Hanggang sa maging kakulay nito ang kendi.

Sipsipin mo ang kendi hanggang sa manuyo
Tagalan mo ang paggalaw nang di ka mabato
Dahil ang kendi ay parang isang bula
Nawawala pagkatapos ng alindog na pansamatala.


Sabi ni nanay, bawal pag gabi ang kendi sa bata
Salita niya'y  aking ipnagwalang-bahala
Ang kendi ang  dahilan kung bakit ako maligaya
Ang pansamantalang kaligayahan ba ay masama?


Pagkatapos kong matikman ang sarap
Ng kending lagi kong hinahanap-hanap
Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot
Na senyales ng hindi ko pagsunod.


 Cotton Candy Love

Tila mga ulap na bumaba nang dahan-dahan
Parang sa langit ay nagsawang manahan
Ninakaw ang lahat ng asukal sa tubuan
Ang malambot na katawan ay maiging kinulayan.

Ang hilaw na pagsinta, parang cotton candy ang katulad
Makulay ang anyo’t itsura’y matingkad
Magaan sa damdami’t para kang nililipad
Masarap sa paningin ngunit ang loob ay hungkag.

Nawawala ang takam ‘pag sa bibig ay tinunaw
Kapalit nito ang masidhing pagkauhaw
Labis ang tamis na para kang nilalanggam
Mahapdi ang kagat, at kirot ang naiiwan.

Kaya naman ang cotton candy ay para lang sa bata
Na laging nagtataglay ng matamis na dila
At sabik sa kakaiba at nakakaakit na itsura

Pati sa lambot, siya ay tuwang-tuwa!


Eclipse

Ang araw ay gabi, ang gabi ay araw.
Ang liwanag ay tila  di na matanaw.
Katahimikan ng gabi ay parang pumanaw.
Ang pagsasama nila'y tila nakakauhaw.

Lumapit ang araw sa buwang malumbay
Pinarikit nito ang alindog na taglay.
Nayakag ang buwan sa sinag na mapupungay
Na tila sabik sa mabilisang pagdantay.

Ilang sandali'y, ang liwanag ay natangay
Ng pag-ibig na tila binuhay ang patay.
Mabilis na nag-anib at tila di na mapaghiwalay
Ang kanilang katawa'y, sa isa't isa'y  inialay.

Ang mga matang sa kanila'y nakatingin
Halos mabulag sa nakitang tanawin.
Ngunit ang iba'y humanga pa rin
Sa Pag-ibig na tila segundo lang kung bibilangin.

Ang kapalaran ng dalawa'y tila nakatala
Sa kalendaryong ang tao ang gumawa.
Sandaang taon pa upang sila'y magkita
Sapagkat mauulit ang ganoong istorya.


 Sa Hardin


Nang panaho'y lumamig, tila may umaaligid
Na Bubuyog na may pagnanasang hatid.
Ang kanyang pagbulong ay tila pagdididlig
Upang mamasa ang lupa't magkaroon ng banlik.


Itong si Bulaklak na mayuming umiindayog
 Nanghahalina gamit ang makulay na talulot
Sa hangi'y isinaboy ang samyong nakakabilog.
Ang sinumang lumapit sa kanya'y mahuhulog.


 Ang hardi'y lunduyan ng mga napapagal,
Lalo na ang mga taong sa init ay uhaw.
Nagtatagpo ang mga kaluluwang ligaw
Sa pagnanasang makakuha ng bulaklak na alay.


Ang pagdapo ng bubuyog sa talulot ng bulaklak
Ay naghatid ng kuryenteng dumantay sa balat
Ng bulaklak na  maharot kung bumukadkad.
At natukso sa damdaming lalong umalab.


Sinipsip ng bubuyog ang  inaasam na dagta
Pamahid-uhaw ang sa bulaklak ay nagmula.
Kakaibang kiliti naman ang sa bulaklak ay nagpasaya
Kaya kapwa nagalak sa panandaliang ligaya.



Ang talulot ay hinipo nang marahang-marahan
Nagpaubaya sa pagbuka ang bulaklak nang tuluyan
Kapwa sumabay sa indayog na mainam
Ang pansariling pakinabang ay ninanamnam.


Ngunit sa anumang halama'y may bahaging maselan
Kahit anong pag-iingat, mayroon paring  hawan.
Pinsalang hatid ng bugsong tampalasan
Ang saglit na pagtatagpo, ay dadalhin ng maraming buwan.



Sunday, January 27, 2013

Tago at Takbo

Gusto kong tumakbo papalayo sa lugar na ito. Gusto kong magtago sa lugar na di ako makikita ng tao. 

Bakit ba napakahirap humarap sa mga tao, lalo na kung ang tingin nila sa'yo ay mahina at bobo?

Paano ko ba iiwasan ang ganito?

Tuesday, December 18, 2012

Thoughtful Pupils :)


The perks of being a teacher :))
Look what I've received from my students! Thank You! that's soooo sweet of you. Merry Christmas! But the most precious gift I want to receive is a learning youve learned from me :)

Saturday, December 15, 2012

Sa Loob at Labas ng Paaralan :)

kaming mga guro ay hindi naman seryoso palagi.

Paminsan-minsan. kami'y nguningiti din na tulad ng ibang tao. 


22nd Oath Taking Ceremony -- Response/Speech

This is my response and speech as the LET Top 7 placer (Highest placer in the NCR sa ELem kaya no choice na ako ang mag-speech) at Cuneta Astrodome, December 15, 2012.

To our dear guests, visitors, parents, friends ladies and gentlemen, a pleasant morning, and congratulations.Standing here in front is like standing in a bunch of fresh ripe fruits from the farm , and in  freshly made products from the factory, ready to be delivered in the market. I smell the freshness that comes in your every smile, the relief and calmness in your faces and the excitement of becoming a part of the market, of the roster of what we call the noblest profession. We are indeed now an official  part of this family. We are now a part of the busy market where life is sea of unexpected circumstances which are inevitable on the profession we choose to become a part.


I am sure that we are here not by chance. We worked hard for it..It's a combination of perspiration and  preparation. In other words, we planned it.Whenever I am asked, "What's my secret why I landed on the 7th place?" I'll just answer them back "WTF" W means Willpower. If you really have the goal to top, then do something about it, or else it will just be a dream. No matter how busy I am, I really allot atleast an hour to review the things I ought to know. I dont really believe in luck. Succeeding comes from perspiration. Next, the T is Test taking skills. This skill is not inborn. It is learned. It's not enough to have what we call "stock knowledge". It is a product of continous reading and frequent mind exercise. I always challenge myself with analysis and rationalization.  And last but not the least, the F. It is faith. Indeed, faith is the most powerful weapon that we must have. Nothing is impossible with our Lord. He never fails to listen to a sincere heart's desire. That is why whenever they say "Ang galing ko daw", I always say "Mas magaling si Lord."  However, I realized that I should rearranged the letters to make it more positive. Instead of WTF which gives a not-so-good impression, it is better to make Faith as one of the reason why we are all here. If on the second time, somone would ask how did I passed with flying colors, I wil say "It's because of FTW like "For The Win". Faith-Test-taking Skills and Will. Whatever  it may imply, the most important is that we have overcome the hurdles that made us of what we are.Let us remind ourselves that passing the licensure examination is not the end of proving ourselves as pprofessionals. It must remind us that this is the time we are going to be shipped to the market. It's a big market. This market might offer big opportunity for us to grow and to serve.In the next few days, or months or year we are going to face the school again. However, the school we are going to face is different from the school we used to go few years ago. Gone are the era where teachers dominate the classrooms and textsbooks are our syllabus. Children of today lives in a digital world where interconnectivity is present, individuality is prevailing and collective learning is the trend. 21st century literacy requires creative ideas comunicated in new forms. The challenge for us, new teachers, is on how to boost children's creativity for them to respond to what the world needs. Since we have been feed by our college and universities on how to be an effective 21st century educator, I know that our roles shift into a facilitator of learning.This is a challenge. There maybe no monetary reward if we can do this, but at least, it makes us the teachers whose richness can reach eternity.Good dya and God bless us all.

Me with my college classmate

Monday, November 26, 2012

To God Be the Glory!~


I can't explain what I'm feeling right now. Alam ni Lord yan! Salamat po sa lahat ng inyong pagbati! Napakarami kong dapat pasalamatan. I'm so blessed dahil binigyan ako ni Lord ng supportive family, sina mama, papa, mga kapatid ko lalo na kay Ate Almira (na pinagmanahan ko daw?!), sa aking mga pinsan at mga tito at tita. Salamat kay Lord dahil binigyan ako ng mga masisiyahin at matutulunging mga
 classmates mula 1-19 hanggang 4-7. Salamat din sa walang kapantay na paglalaan ng oras ng pagtuturo ng aking mga naging guro at professor sa PNU lalo na kay Maam Celia Ilanan, at sa lahat ng faculty ng DEE at sa lahat ng mga naging prof ko sa GenEd, ProfEd, CEC at sa SpEd. Salamat din kay Sir Luis Salenga,at sa lahat ng teachers na tumulong sa amin noong ST pa kami sa PES-Central. Maam Lilian Fidelson, pakisabi po kay sir, salamat! Salamat din sa mga naging kaklase ko, naging kaibigan ko at sa mga hindi ko kakilala pero bumabati din sa akin. Salamat sa mga maniniwala sa akin.. :) Sa mga kabatchmates ko, CONGRATS! professional Teachers na tayo! Salamat din siyempre sa mga co-teachers ko sa SPCM . salamat sa prayers! Sa mga hindi ko pa nabanggit, salamat din. Salamat kay Lord.. To God be the glory! Sa susunod na lang ung SONA ko. Salamat po talaga! :))


Tuesday, November 6, 2012

Pangarap ng mga Bata



                Nagpagawa ako ng isang sanaysay ukol sa kanilang mga pangarap sa buhay. Nakakatuwang isiping sa murang isipan ng mga bata, malinaw na sa kanilang isipan ang mga bagay na nais nilang makamit. Unti-unti nang  nabubuo ang kanilang mga pangarap. Bilang isang guro na tumutulong upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa akademya at maging sa tuntunin ng buhay, nakakatuwang malamang halos lahat ay may magandang pangarap, hindi lang para sa kanilang sarili, ngunit para sa kanilang pamilya at para sa iba. Malaki man o maliit, madali mang abutin o hindi, simple man o bongga, halos lahat sila ay hindi nag-atubiling ihayag ang mga nais nilang marating balang-araw. Ngunit ang pinakanakakatuwa sa lahat, alam ng mga batang ito kung papaano nila ito magagawa. Kung iisipin, sila ay mga bata lamang sa ikaapat na baitang ngunit ang kanilang galing sa pagsasalaysay ang nagpatuwa sa akin. Bukod sa magaganda nilang mga mithiin, napahanga ako sa galing nila sa pagsusulat.
                "Ang bawat isa sa atin ay may minimithing pangarap. Ang bawat bata marahil ay may isang pangarap na nais makamit sa kanyang paglaki. Ang aking pangarap ay maging isang matagumpay na accountant at magkaroon ng isang magandang hanapbuhay. Nais kong magkaroon ng magandang buhay at maging mabuting anak na maipagmamalaki ng aking pamilya. Nais kong marating ang maraming magagandang pasyalan sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nais kong malakbay ang daigdig.
                Ang lahat ng ito ay aking makakamit sa tulong ng aking mga magulang at sa patnubay ng Poong Maykapal. Magsisiskap akong makapag-aral nang mabuti at tapusin ang aking pag-aaral hanggang sa huli. Sisikapin king maging mabuting anak at mamamayan ng ating bayan.  – gawa ni Samantha Fontanilla."
                "Ang aking pangarap sa buhay ay ang maging isang may-ari ng kompanya na ang produkto ay mga damit. Ang aking nais kuning kurso sa kolehiyo ay Management. Ito ay aking nagustuhan dahil ang aking kompanya ay maaaring makagawa ng damit para sa mga tao. Nagustuhan ko din ito dahil pwede rin akong magdisenyo ng mga damit na aming ibebenta. At ang isa pang dahilan na ito ay aking gustong propesyon ay dahil gustong maranasan ang pakiramdam ng isang boss.
                Wala akong nais tularan sa aking gustong maging propesyon dahil mayroon akong sariling paraan king paano maging maunlad. Makatutulong ako sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng damit sa mga nangangailangan at mabibigyan ng pera ang mga empleyado na nagtatrabaho sa kompanyang aking gustong mabuo. Matutupad ko ang aking pangarao kapag ako ay magsisikap at mag-aaral nang mabuti. Mas lalo kong gagalingan sa paaralan kapag may suporta sa aking mga magulang, kamag-anak at mga kaibigan. Kung hindi ko makakamit ang aking pangarap na ito, handa ako dahil mayroon pa akong ibang pangarap sa buhay. – gawa ni Ann Margaret Legaspi."
                Bawat tao ay may pangarap sa buhay. Lahat ay gagawin matupad lang ito, maliit o malaki man. Sa aking paglaki, nais ko maging isang F1 driver. Sa ngayon, ang aking idolo ay si Fernando Alonso ng Espanya. Siya ay nagmamaneho para sa Ferrari Team at mayroon siyang 2 kampeonato sa kasalukuyan.
                Ninais kong maging F1 driver sa kaing paglaki upang makilala bilang unang Filipino F1 driver at magkamit ng kampeonato. Sa ganitong paraan, magbibigay parangal ito sa ating bansa at mabibilang tayo na mahusay sa larangan ng motorsports. Mag-aaral akong mabuti upang makapagtapos at makamtan ang aking pangarap sa buhay. Nawa'y magsilbing inspirasyon ako sa mga sususnod na henersyon. – gawa ni Nikolo Andre Galang"
                "Minsan ko lang maisip sa buhay ko ang tungkol sa aking pangarap. Kahit sinasabi sa akin ng aking ina na mahirap yun, yun pa rin yung gusto ko maging isang robot inventor.
                Hindi ko alam kung bakit pero ito ang napili ko. Isang Robot inventor. Isang robot inventor na maging tanyag sa buong mundo. Isang robot inventor na gagawa at mag-iimbento ng mga robot na makatutulong sa pag-unlad ng bawat mamamayan lalo na sa mga Filipino.
                Balang-araw, magiging robot inventor ako. At sa pamamagitan ng robot, na inimbento, magiging maunlad ang buhay ng tao. – gawa ni Jarius Macogay"
                "Gusto ko maging isang manunulat. Maganda kaya ang aking buhay pag ako ay maging manunulat? Gusto ko sana gumawa ng isang libro at ibahagi sa ibang tao.
                Gusto ko maging isang manunulat dahil mahilig akong magbasa. Marami rin akong natutunan at nasi ko rin ibahagi sa iba. Ang mga taong nais kong tularan ay sina Geronimo Stilton at Thea Stilton na parehong magaling na manunulat.Hihikayatin ko ang mga  kabataan na magsulat at magbasa ng libro, mapahayag ang katotohanan, mahahalgang pangyayari at maging mabuting inspirasyon at halimbawa sa iba.
                Ako ay magsisikap mag-aral ng mabuti at pinakamahalga ay ako ay magtatapos sa aking pag-aaral. Naniniwala ako na isa ako sa pag-asa ng bayan. Kaya't tutuparin ko ang aking mga pangarap. Gagawin ko lahat para matupad ito. – gawa ni Day Soleil Parong."

             Kaya naman, sigurado ako na maabot nila ang kanilang mga pangarap.Natutuwa talaga ako dahil punong-puno sila ng pangarap. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari, ang matuklasan at isipin nila ang kanilang hinaharap habang bata pa. Sa buhay kasi, ang taong may direksiyon ang siyang nakakabatid ng tunay na halaga ng buhay.